Damaso, Carlos Celdran, Kulo Exhibit,
Mideo Cruz, Pajero, PCSO Endowment Fund, Same Sex Marriage, at ngayon RH Bill.
Sigurado ako na pamilyar kayo sa mga nabanggit ko sa itaas. Sa mga nagdaang Buwan
ay sadyang laman ng social networking sites at mainit na pinag uusapan sa mga
forums ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanilang lahat. Ngunit wala pa
ding tatalo sa tradisyunal na pamamaraan ng pag atake gamit ang pulpito – ng
Simabahang Katoliko Romano.
Predominantly Catholic ang ating bansa, isa sa tanging Dalawang bansa kasama ang
East Timor sa Asya na maituturing na may mayoryang bilang ng katoliko. Kaya
naman masyadong mahigpit at mainit ang mga usapin na bumabangga sa moog ng
pader ng impluwensya ng tanang kaparian sa ating bansa. Simulan natin ang pag
babalik tanaw sa mga nagdaang isyu na kinasangkutan ng “ating” simbahan.
Si
Damaso at si Carlos
Maaring nagtaka ka bakit biglang may
ibinalitang ikinulong dahil lamang tumayo at may hawak na placard na may
nakasulat na Damaso sa misa sa Manila
Cathedral? Ang aking tinutukoy ay ang Sikat na tourist guide at social
historian na si Carlos Celdran. Kilalang tagasuporta ng Reproductive Health
Bill si Celdran at bahagi ng kanyang kampanya ay ang gisingin at ipakita sa
pamunuan ng simbahang katoliko ang kanyang pinaniniwalaan. Ngunit hindi umubra
ang kanyang pagtindig habang nag hohomiliya with matching early-20th
century costume pa at agarang ineskortan palabas ng katedral. Tsk tsk tsk
naghimas ng malamig na rehas ang pobre.
Ang
kumukulong Sining ni Mideo
Wala na sigurong sasakit pa kung
itatakwil ka ng iyong pinagmulan...Ano kaya ang naramdaman ni Mideo Cruz, isang
alagad ng sining at alumni ng Pamantasan ng Santo Tomas na kilalang tanging
Royal and Pontifical Catholic University sa Asya; matapos siyang kondenahin sa
isinagawang Kulo exhibit sa Cultural
Center of the Philippines noong 2011. Alamat talaga ang interpretasyon ni Cruz ng
salitang Poletismo, nag paskil ba naman ng mga imaheng sagrado sa simbahang
katoliko at tinambalan pa ng reproductive
organs na may iba’t ibang hugis at
anyo. Isama pa ang rendisyon niya ng krusipisyo na may ibang mensahe gusting ipahatid.
Ang ending, ipinasara ang exhibit sa CCP at persona non grata na ngayon si Cruz
sa UST. Sana nakuha na niya ang transcript niya, kung hindi malas lang! hahaha
Ang
Pajero ni Juan
Isang eskandalo ng mapag alaman na
humingi pala ng sasakyan at take note nag request pa ng brand – Pajero! ang
isang Obispo ng simbahang katoliko sa katauhan ni Juan de Dios Pueblos mula sa
dating panggulo na si Gloria Arroyo. Ayon sa ulat ay mula sa endowment fund
pala ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nasabing pondo na
pinanggalingan ng pambili ng nasabing sasakyan. Agaran naman isinauli ng
nabukong Obispo ang sasakyan at sinabing ito’y donasyon ng PCSO para gawing
service vehicle ng diyosesis sa pagsasagawa ng mga apostolate nito sa Butuan.
Lumabas din sa pag iimbestiga ng mga tauhan ni PNoy na hindi lamang pala si Bp.
Pueblos ang nakinabang at may ilan pang matataas na tao sa loob ng simbahan. Manalangin
na lamang tayo na hindi porke’t malapit ang kasalukuyang pangulo sa simbahang
katoliko ay hindi mabibigyan ng karampatang paglutas ang nabanggit na
iregularidad sa ating sistema.
Ang
Rainbow sa Metropolitan Community Church
Naging napaka kontrobersyal ng
Metropolitan Community Church of Quezon City sa pangunguna n Rev. Ceejay
Agbayani. Kinontra kasi nila ang millennium-old teachings ng Roman Catholic
Church ng magsagawa sila ng same sex marriage rites sa Quezon City at sa
lungsod ng Baguio noong 2011. Samahan pa ng kanilang lubusang pagsuporta sa
LGBT community sa buong Pilipinas. Sumikat ng husto ang simbahang ito dahil sa
liberal nilang paniniwala na Tanggap ka
kung sino ka, ligtas ka kung ano ka! Hindi lang matanggap ng simbahang
katoliko na may umusbong bigla na relihiyon na hahamon sa kanilang doktrina.
Makulay at Masaya ang paniniwala ng MCC ayon kay Rev. Agbayani, nagpahayag din
siya ng pag hamon sa turo ng katoliko na naka saad daw sa bibliya ang
Homosexuality. Hanggang sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng mga pari
at Obispo sa usaping ito.
Agosto
Siyete!
Ngayong paparating na ika-7 ng Agosto
ang nakatakdang araw sa paghatol ng kongreso sa usapin ng Reproductive Health
sa Pilipinas. Tuwirang ipinahayag ng mga PRO na mayroon silang isang daan at
apat napu’t tatlong kinatawan na boboto pabor dito. Hinamon naman ng mga ANTI
sa pangunguna ng Simabahng Katoliko ang nasabing pahayag at nag daos pa ng
malawakang prayer rally na tinawag nilang Power
Prayer Rally to Junk RH Bill. Napaka dami ng diyalogo at pag uusap ang
isinagawa para linawin ang nasabing panukala, ngunit masyadong mahigpit ang
paghawak ng simbahan sa kanilang pinaniniwalaan. Labing pitong (17) taon ng
naka binbin sa kamara ang pag usad ng RH Bill. Abangan natin sa darating na
Martes ang hatol ng batas kung maipapatupad ba o hindi ang kontrobersyal na
panukala.
Sa mga inihain kong isyu ay sadyang
makapangyarihan ang impluwensyang ipinapakita ng simbahang katoliko. Ngunit dapat
ay hindi rin maalis sa ating isipan ang hangganan ng mga lingkod sa likod nito.
Sila’y mga tao din at may kakayahang magkasala at gumawa ng lihis ng
itinuturong kabanalan ng bibliya. Subaybayan natin kung hanggang saan tatagos
at dadaloy ang kanilang taimtim na impluwensya gamit ang panalangin at simpleng
paraan ng pagtayo sa altar sa likod ng pulpito. #