Menu Bar

Showing posts with label Campaigns. Show all posts
Showing posts with label Campaigns. Show all posts

Friday, November 29, 2013

Supremo

Sa taong ito, ipinagdiriwang natin ang ika-isang daan at limampung taon ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, ang Ama ng Himagsikang Pilipino. Siya ang nanguna sa pagtatatag ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, o mas kilala bilang KKK. Ito ang kauna-unahang kilusan sa Asya-Pasipiko na nag-alsa at lumaban sa mga kolonyalistang Europeo.

Si Bonifacio ay isang anakpawis, isang manggagawa. Totoo sa teoryang pulitikal na ang mga proletaryo ang pinaka-abanteng hanay sa lipunan, siya at ang mga kauring rebolusyonaryo ang nanguna na maglayon na palayain ang sambayanan mula sa mga dayuhang mananakop at makapagtatag ng nagsasariling estado ang Pilipinas. Ito ay taliwas sa adhikain ng mga repormista na maging isang probinsya ng Espanya ang Pilipinas sa maling pag-aakala na magiging pantay at makatao ang turing sa atin ng mga Kastila sakaling mangyari nga ito.
Artistic depiciton of Ka Andres Bonifacio. Illustration by Kenneth Garcia

Ngunit dahil sa laganap at matinding pagsasamantala ng mga kolonyalista, napanday ang isang makabayan at militanteng kaisipan sa mga naaping Pilipino. Pinagbigkis ni Gat Andres Bonifacio, kinilala bilang Supremo, ang taumbayan sa pamamagitan ng lihim na pagpaparami sa kasapian ng Katipunan. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pambansang kamalayan ang Pilipinas. Tinangkilik ng masang Pilipino ang rebolusyon, hanggang sa humantong na nga ito sa lantarang paglaban sa mga dayuhan. Noong Agosto 1896, sabay-sabay na nagpunit ng cedula ang mga rebolusyonaryo, tanda ng paghihimagsik laban sa mga kolonyalista. Inaalala natin ito sa kasaysayan bilang ang Sigaw sa Pugadlawin.

Noong panahon ni Supremo, ang nagtulak sa mga Pilipino upang magrebolusyon ay ang talamak na pagkaganid at pang-aabuso ng mga dayuhang panginoon: Laganap ang pangangamkam ng lupa at iba pang ari-arian, ang panghahalay at pambabastos sa kababaihan, at pang-aapi sa nakararaming masang Pilipino. Bukod pa rito, kinukubabawan at dinidiktahan ng mga kolonyalista ang pulitika, ekonomiya, edukasyon, kultura at iba pang mga aspeto ng pambansang pamumuhay. Ang pinakamasakit ay ang katotohanang noon pa man ay mayroon nang mga Pilipinong taksil na kayang apakan at yurakan ang karapatan at kapakanan ng kanilang mga kababayan para lamang makasalo sa karangyaan at kariwasaang tinatamasa ng mga naghaharing-uri.

Ngayon, isandaan at labimpitong taon makalipas ang Sigaw sa Pugadlawin, nananatili pa rin ang pagsasamantala at kabulukan sa ating lipunan. Nagpapatuloy ang pandarambong ng burukrasya sa kaban ng bayan at ang paghahari ng mga local at dayuhang kapitalista sa merkadong Pilipino; sa kabilang banda, patuloy na nayuyurakan ang karapatan ng mga ordinaryong mamayan, wala pa ring tunay na industriyalisasyon, at walang tunay na reporma sa lupa para sa magsasaka.

Maaring maraming taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin para sa tunay na katarungan at kalayaan. Hanggang ngayon, umaalingawngaw ang Sigaw sa Pugadlawin. Dan Kevin Roque

Saturday, November 23, 2013

Masaker

Apat na taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isa sa pinaka-madugong kaganapan sa kasaysayan ng pamamahayag sa Pilipinas – ang Maguidanao Massacre sa Maguindanao. Nasa limampu’t walong tao ang naging biktima ng pagpatay, kabilang rito ang tatlumpu’t dalawang mga mamamahayag na nasa linya ng trabaho at dalawang babaeng buntis.

Artistic depiction of the Maguindanao Massacre. Illustration by Kenneth Garcia

Hindi nag-iisa ang Maguidanao Massacre sa madudugong pangyayari sa bansa. Sa buwang ito rin ay inaalala natin ang ika-siyam na taon ng Hacienda Luisita Massacre sa Tarlac. Ang Hacienda Luisita ay isang korporasyon, at isa sa mga nagmamay-ari nito ay ang ating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at ang kanyang pamilya. Tinawag nga ng College Editors Guild of the Philippines-NCR (CEGP-NCR) ang Nobyembre bilang buwan ng mga masaker s aisang facebook post.

Bilang isang demokratikong bansa, nasasagkaan ang karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pasismo ng gobyerno – karapatan sa lupa, karapatan sa malayang pamamahayag, karapatan sa buhay. Mas nakakatakot ang ganitong sitwasyon ng bansa kaysa anupamang Halloween costume.

Apat na taon na ang Maguidanao Massacre. Magagaya ba ito sa Hacienda Luisita Massacre na aabutin na ng isang dekada? O sa napakarami pang mga paglabag sa karapatang pantao noong martial law na hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na tunguhin at resolusyon ang kaso?


Kami bilang mga mamamahayag pang-kampus ay patuloy na inaalala at tinatanganan ang ganitong mga isyu bago pa man ito tuluyang mabaon sa limot at mawala sa kamalayan ng sambayanang Pilipino.

Ang kultura ng pagsasawalang-bahala ay laganap sa ating bansa. Kaya naman patuloy na dumarami ang bilang ng mga biktima ng extra-judicial killings at enforced disappearances. Ayon sa Karapatan, isang Human Rights group, may naitalang 158 na kaso ng extrajudicial killings at 18 na enforced disappearances sa loob ng panahon ng panunugkulan ni Pangulong Aquino (July 2010 – August 2013).[1] Ito ay isang nakakaalarmang katotohanan na dapat agarang matugunan ng estado. Ngunit ano ang nagiging sagot ng estado at ng gobyerno sa ganitong kalagayan? Ang mabagal at dekadenteng proseso ng batas.

Marahil, hindi natin ito alintana sa araw-araw nating pamumuhay: mula sa paggising sa isang ligtas na tahanan hanggang pagpasok sa eskuwelahan at pag-uwi. Ngunit ang mga biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao na ito ay hindi simpleng bilang o numero lamang. Sila ay mga tao – ama, ina, anak, kapatid. May mga pamilya silang naiwan na hanggang ngayon ay naghahanap ng katarungan.

Ang mga pamilya ng mga biktima ay maaaring maipinta bilang mga radikal, ngunit masasabi bang kasalanan nila na sila ay nawalan ng mahal sa buhay? Walang nagnanais mawalan ng asawa, magulang, anak, kapatid, kaibigan, kasama. Ang tunay na salarin sa pagkakataong ito ay ang kultura ng pagsasawalang-bahala, ang kulturang tila nanghihikayat pa sa paglabag sa karapatan ng mga mamamayan kaysa sa pagtatanggol nito.

Isang hamon ang iniiwan naming mga mamamahayag ng kampus, hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa mainstream media at sa taumbayan: itigil ang kultura ng pagsasawalang-bahala! VP 

[1] Karapatan Monitor 2013 Issue 2, Table 1

Friday, April 5, 2013

Gapos ng Nakaraan, Tinik ng Kasalukuyan



"…at lahat ng bagay sa mundo ay lalaya sa piitang kinasadlakan nito
kung aalisin natin ang taling lalong bumibigti sa ating diwang makabayan."

Kailan tayo nakakaranas ng kalayaan? Kapag ba walang bumabawal sa ating ninanais? Kapag ba alam natin na walang hangganan ang ating ginagawang bagay? O kapag malayo tayo sa impluwensya ng iba? Iba-iba ang pagpapakahulugan natin sa kalayaan. Ngunit sa pagbigay pakahulugan sa kalayaang tinatamasa natin ngayton, huwag nating kalimutang tingnan ang nakaraan.

Mala-kolonyal ang isa sa mga katangian ng lipunan ngayon. Ang kasamaang ito ay dulot ng pananakop sa atin ng mga dayuhan. Sa ilang siglo na pamamalagi nila sa ating bansa, nabuhusan tayo ng pang-aalipin, pang-aalipusta, at pangmamaliit. Ito ang naging dahilan kung bakit bumaba ang pagtingin natin sa ating sariling kultura. Ikinintal nila sa ating isip na ang anumang gawang dayuhan ay mas mainam kaysa sa sariling atin.

Ang mga dayuhang ito ang pangunahing dahilan ng pagsulpot ng mga negosyong kolonyal, sanhi upang tayo ang maging mala-debotong taga-tangkilik ng mga ito. Ang pagpapatuloy ng kalagayang ito ay nagpapatunay na isang kasinungalingan kung sasabihin nating tunay tayong malaya mula sa kolonyal na pag-iisip.

Kalayaan mula kay Uncle Sam
Hulyo 4, 1946 – hindi ito ang araw ng kalayaan natin sa mga Amerikano. Hindi ito ang katapusan sa lahat ng napagdaanan nating kaguluhan. Bagkus, ito ay ang simula ng isa na namang kalbaryo nating mga Pilipino. Hindi tayo malaya. Binitiwan man tayo ng kanilang mga kamay, nanatili tayong nakatali sa lubid ng kanilang panloloko. Nakabitin tayo sa tali na sila rin naman ang may hawak at habang tumatagal, lalo nila tayong binibigti. Ayon nga sa isang aklat ni Amado Guerrero, maka-isang panig ang mga mayorya ng mga kasunduang nagpapatungkol sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Ang pagkakaroon ng base-militar sa bansa, ang mga batas na nagsasabing maaari nilang palawigin ang kanilang teritoryong-base sa bansa at maaari nilang gawin ang gusto nilang gawin, hindi ba’t mas masasabi pa natin na mas malaya pa sila kaysa sa tayong mga Pilipino na tumubo’t nagkaisip sa Perlas ng Silangan? Paano na tayong mga Pilipino? Mananatili na lang ba tayong papet ng dayuhan? Paano na ang mga burges na sumasaklaw sa pinakamalaking bilang ng tao sa ating bansa?

Kapitalismo
Isa sa ebidensya nito ay ang impluwensiya ng kapitalismo at pagkakalagay sa saklaw ng sistemang kapitalista. Nananaig ang pangangalakal sa kalikasang ekonomiyang pansarili habang ang mga mahihirap na magsasaka ay nananatiling nasa ilalim nito. Ang pagpayag sa isang malaking kompanyang dayuhan na magtroso sa isang lalawigan ay nagpapakita lamang na naglilingkod lamang tayo sa alam nating mas kikita tayo.

Ang CLEx, NLEEx, at ang DEARP ay mga halimbawa ng mga makadayuhang proyekto sa ating probinsya: Ito'y hindi naglilingkod sa mga taumbayan, bagkus ay sa mga kapitalistang dayuhan. Ang mga lansangang ito ay hindi para sa transportasyon, kundi upang tangkilikin ang mga negosyong import-export ng mga dayuhan sa bansa natin.

Maraming mga magsasaka at manggagawang bukid ang mawawalan ng kabuhayan nang dahilan sa mga proyektong ito.



Ang mga Panginoong-Maylupa at ang Manggagawa
Ang tatsulok
Ang isa pang katangian ng ating lipunan  ay mala-pyudal, isang sistemang tila uod sa isang halaman, pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng ating bansa. Isang patunay nito ay ang paghahari ng mga panginoong-maylupa at pang-aalipin sa mga magsasaka. Nangingibabaw ang isang porsyento (1%) ng may pera sa siyamnapu’t siyam (99%) na bahagdan ng nasa ibaba.

Walang karapatan ang isang magsasaka sa kanyang lupang sinasaka na ng ilang dekada sapagkat ito ay pag-aari pa rin ng mayayamang maylupa na lalo pang yumayaman sa tuwing nagbabayad ng renta ang magsasaka. Ika nga, “Ang mayaman ay lalong yumayaman habang ay mahirap ay laong naghihirap”. Pinamumukha nila sa atin na hindi totoo ang demokrasya.

Matagal na tayong binubulok ng ating sistema. Ang mga nabanggit ay hindi paninira sa kalagayang sosyo-politikal ng ating bansa ngunit ang lahat ng ito ay patotoo na lahat ng ito ay katotohanan. Hindi natin hangarin na mag-aklas sa ating pamahalaan. Ang ating pangunahing layon ay ipaalam sa mamamayan ang tunay na kalagayan ng ating bansa, ang imulat ang mga taong nakaupo sa ganitong pangyayari; upang sa gayo’y mapaglingkuran natin sila. Hindi lamang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili. Nabubuhay rin tayo para sa ibang tao. Ang ating tungkulin ay palayain ang ating kapwa-Pilipino sa kulungan na kinapipiitan nito.

Ipaglaban ang tama mga kasama! Sumulong, sumulat... Manindigan at magmulat!





Tuesday, March 26, 2013

Peasant Struggle in Nueva Ecija

Prepared by: Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL, Peasant Alliance in Central Luzon) 



Land use classification of Nueva Ecija
Significance of the Province

Nueva Ecija is publicly known as the rice-granary of the Philippines.  Its vast agricultural lands are cultivated with rice that farmers consider their main source of livelihood.  Rice cultivation is also the culture of Nueva Ecija farmers.  The province’ 158,269-hectare rice lands ranked 2nd in the country, but irrigated lands of 119,459-hectares are the biggest among provinces.  It also ranked 2nd in production, harvesting about 560,379 metric tons or 7.29 million sacks of rice, but first in irrigated palay of 462,185 metric tons.  Its production compose 9% of the country’s total and 43% of the region’s total.  Irrigated lands compose about 75% of the its total rice lands, thus, it is very clear that agriculture is distinguishedly productive.  Rice farms yield about 80 to 100 cavans per hectare with some reaching to 120 cavans.  Plain lands in the province are more than half which are of high potential for agricultural production.


Essential to the province’ agricultural productivity, are the farmers who sturdily cultivate rice lands that compose about 28% of it total land area of 575,133-hectares. The province’ population compose 19% of the region ranking 3rd and its land area 27% being the biggest.  Nueva Ecija also composed majority of the farmer-beneficiaries of the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).  Based on its 2010 accomplishment, 95,855 Nueva Ecija farmer-beneficiaries compose 36% of the region’s total tilling 169,375-hectares or 42% of the region’s total. 

Nueva Ecija is totally a significant province in the country, contributing majorly in the country’s total rice supply and it is also a model of the bankruptcy of CARP as the government’s claimed number of FBs is questionable as farmers are presently facing massive cancellations of Certificate of Land Ownership Awards (CLOA), Certificate of Land Transfer (CLT) and Emancipation Patents (EP).  Rice production is also threatened by the government’s program that would result vast land use conversion.  Nueva Ecija is a potential  ground for the struggle for genuine land reform and its farmers a powerful force of the peasant movement.





Thursday, February 7, 2013

E-Martial Law: a pool of contradiction, a threat to cyber freedom




The internet has become a medium of expression for the citizens and journalists of the new generation. After all, the United Nations Human Rights Council (UNHRC) promotes online freedom of expression as a basic human right. But the creation of RA 10175 or Cybercrime Prevention Act of 2012 now poses a threat to freedom of speech, expression and of the press, a clear contradiction to Article III, Section 4 of the 1987 Philippine Constitution.
A mere lip service
The Cybercrime Prevention Act was introduced in July 2011 and was signed in September 2012 while the overdue Freedom of Information (FOI) Bill, which has been certified by President Benigno Aquino III (PNoy) as a priority bill in January 2012, was introduced in 2008 and is still pending. One can easily compare the pace of the contradicting laws and one can easily tell the reason behind it.
The FOI bill is intended to aid in transparency which is a democratic right as well. Article III, Section 7 of our constitution recognizes our right “to information on matters of public concern”. After all, PNoy vowed for transparency during his campaign in 2010. He even made a commitment to press freedom during the World Press Freedom Day last May. Paradoxically, MalacaƱang’s support appears to be dwindling. They said they still have to review the bill for possible holes that may cause national security risk. This made us wonder if they made the same consideration of reviewing the questionable provisions of RA 10175 as well.
The government’s way of prioritizing bills appears to be a sort of cost-benefit analysis – the FOI bill will benefit the media and the public but will cost “security risk” while Cybercrime Prevention Act will benefit the politicians but will cost invasion of privacy to the netizens. If PNoy maintains that we – the citizens – are really his “boss”, then isn’t it just righteous of him to opt for the one which will be more beneficial to us?
Riddling loopholes
There are several ambiguous provisions that are yet to be addressed in the said law though PNoy already signed it last year. Among these are the issues discussed in the first oral arguments last January 15:
  • Cybersex, which is under content-related offenses, was defined in Section 4(c)(1) as “the willful engagement, maintenance, control, or operation, directly or indirectly, of any lascivious exhibition of sexual organs or sexual activity, with the aid of a computer system, for favor or consideration.” However, it failed to make a distinction between consensual and non-consensual acts and it was not clearly indicated who among the involved persons committing this offense will be penalized.
  • Online libel in Section 4(c)(4) was defined as “the unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.” This means, though it has the same elements as libel defined in RPC, committing it online could get you imprisoned for up to 12 years. The congress continues to ignore demands for the decriminalization of libel. We all know that the insertion of libel clause and making it a criminal offense will only serve as an instrument for the politicians to manipulate and harass the media.
  • Section 5(a), the provision that really puzzles the netizens, also constitutes “aiding or abetting to libelous contents” as an offense. The definition is so vague that even the lawmakers cannot explain or defend it consistently. How can a citizen be aware if he is already committing a crime? Does sharing, retweeting or liking libelous posts earns one a ticket to jail?
  • Section 6 of the said law states that “penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for by the Revised Penal Code.” According to the Department of Justice (DOJ), it’s easier to commit these offenses since pretty much everyone has internet access nowadays. Still, it’s not enough of an explanation especially how they would distinguish libel from online libel.
  • Section 12 or the real-time collection of data allows the respective authorities “to collect or record by technical or electronic means traffic data in real-time associated with specified communications transmitted by means of a computer system.” It evidently violates our right to “the privacy of communication and correspondence” as indicated in Article III, Section 3 of our constitution.
  • The dubious takedown power of the DOJ which is stated in Section 19 means it no longer needs a court intervention to “restrict or block access to such computer data”. This, again, is a contradiction to Article III, Section 1 of our Constitution – “no person shall be deprived of life, liberty or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”
Refuse to be gagged
As an advocate of press freedom, the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) – Central Luzon supports the campaign against Cybercrime Prevention Act. CEGP Tarlac will conduct a forum to better inform the people about their basic rights to freedom and educate them about the hazards of the said law. The said forum will be held in Tarlac State University on January 31, 2013. We will also have a photo campaign called “Pose to Oppose” where people can express their disapproval with Cybercrime Law through photo opps.
As the temporary restraining order (TRO) expires on February 6, let us join the National Day of Protest to Junk Cybercrime Law. It’s time for PNoy to hear out his real “boss”. Monica del Puerto, CEGP-Central Luzon Chairperson

Tuesday, February 5, 2013

CEGP, Kabataan Partylist, other youth groups stay vigilant despite extension of TRO on Cybercrime Law


The indefinite extension of the temporary restraining order (TRO) on Cybercrime Law is a victory for freedom lovers, but people must remain vigilant because the law might still be implemented even after the extended order, said youth groups such as Kabataan Partylist and College Editors Guild of the Philippines (CEGP).

The extension of the TRO for an indefinite period is a victory for all netizens, students, professionals and freedom lovers. It is a victory for the people who protested against the law online and offline. This is a product of collective effort for freedom of expression,” said Pauline Gidget Estella, national president of CEGP, the widest and oldest alliance of student publications in the country.

However, we must remain vigilant. This is only an extension, and there is still a possibility of implementation after the extended TRO. What we want is a ‘permanent restraining order.’ We demand that the law be junked,”said Estella.

The indefinite extension to the TRO is not enough. The youth, netizens and the rest of the Filipino people should still continue to push the high court to declare this law as unconstitutional and repeal this repressive measure of the Aquino administration to silence the people from telling the truth about the government,” added Marc Lino Abila, CEGP National Deputy Secretary-General.

Early this morning, sectoral groups trooped in front of the Supreme Court as part of the National Day of Action on the day of the supposed expiration of the TRO.

The sustained online and offline protest should serve as a reminder for the Supreme Court to decide in favor of freedom of expression. What else does the government need to realize that this is a badly crafted law and can suppress free speech? The Solicitor General could not even defend this law properly,” said Estella.

Kabataan Partylist and College Editors Guild of the Philippines will continue the concert-vigil tonight as planned at Liwasang Bonifacio starting 5:00 p.m. Groups will march from Plaza Salamanca to Supreme Court at 4:00 p.m. Monica del Puerto, CEGP-Central Luzon Chairperson


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...