"…at lahat ng bagay sa mundo ay lalaya
sa piitang kinasadlakan nito
kung aalisin natin ang taling lalong bumibigti sa
ating diwang makabayan."
Kailan tayo nakakaranas ng kalayaan? Kapag
ba walang bumabawal sa ating ninanais? Kapag ba alam natin na walang hangganan
ang ating ginagawang bagay? O kapag malayo tayo sa impluwensya ng iba? Iba-iba
ang pagpapakahulugan natin sa kalayaan. Ngunit sa pagbigay pakahulugan sa kalayaang tinatamasa natin ngayton, huwag
nating kalimutang tingnan ang nakaraan.
Mala-kolonyal ang isa sa mga katangian
ng lipunan ngayon. Ang kasamaang ito ay dulot ng pananakop sa atin ng mga
dayuhan. Sa ilang siglo na pamamalagi nila sa ating bansa, nabuhusan tayo ng pang-aalipin, pang-aalipusta, at pangmamaliit. Ito ang naging dahilan kung bakit bumaba ang pagtingin natin sa ating sariling kultura. Ikinintal nila sa ating isip na ang anumang gawang dayuhan ay mas mainam kaysa sa sariling atin.
Ang mga dayuhang ito ang
pangunahing dahilan ng pagsulpot ng mga negosyong kolonyal, sanhi upang tayo ang
maging mala-debotong taga-tangkilik ng mga ito. Ang pagpapatuloy ng kalagayang ito ay nagpapatunay na isang kasinungalingan kung sasabihin nating tunay tayong malaya mula sa kolonyal na pag-iisip.
Kalayaan mula kay Uncle Sam
Hulyo 4, 1946 – hindi ito ang araw ng
kalayaan natin sa mga Amerikano. Hindi ito ang katapusan sa lahat ng
napagdaanan nating kaguluhan. Bagkus, ito ay ang simula ng isa na namang
kalbaryo nating mga Pilipino. Hindi tayo malaya. Binitiwan man tayo ng kanilang
mga kamay, nanatili tayong nakatali sa lubid ng kanilang panloloko. Nakabitin
tayo sa tali na sila rin naman ang may hawak at habang tumatagal, lalo nila
tayong binibigti. Ayon nga sa isang aklat ni Amado Guerrero, maka-isang panig
ang mga mayorya ng mga kasunduang nagpapatungkol sa kalayaan ng Pilipinas mula
sa Estados Unidos.
Ang pagkakaroon ng base-militar sa
bansa, ang mga batas na nagsasabing maaari nilang palawigin ang kanilang
teritoryong-base sa bansa at maaari nilang gawin ang gusto nilang gawin, hindi
ba’t mas masasabi pa natin na mas malaya pa sila kaysa sa tayong mga Pilipino
na tumubo’t nagkaisip sa Perlas ng Silangan? Paano na tayong mga Pilipino?
Mananatili na lang ba tayong papet ng dayuhan? Paano na ang mga burges na
sumasaklaw sa pinakamalaking bilang ng tao sa ating bansa?
Kapitalismo
Isa sa ebidensya nito ay ang impluwensiya ng kapitalismo at pagkakalagay sa saklaw ng sistemang kapitalista. Nananaig ang pangangalakal sa kalikasang ekonomiyang pansarili habang ang mga mahihirap na magsasaka ay nananatiling nasa ilalim nito. Ang pagpayag sa isang malaking kompanyang dayuhan na magtroso sa isang lalawigan ay nagpapakita lamang na naglilingkod lamang tayo sa alam nating mas kikita tayo.
Ang CLEx, NLEEx, at ang DEARP ay mga halimbawa ng mga makadayuhang proyekto sa ating probinsya: Ito'y hindi naglilingkod sa mga taumbayan, bagkus ay sa mga kapitalistang dayuhan. Ang mga lansangang ito ay hindi para sa transportasyon, kundi upang tangkilikin ang mga negosyong import-export ng mga dayuhan sa bansa natin.
Maraming mga magsasaka at manggagawang bukid ang mawawalan ng kabuhayan nang dahilan sa mga proyektong ito.
Isa sa ebidensya nito ay ang impluwensiya ng kapitalismo at pagkakalagay sa saklaw ng sistemang kapitalista. Nananaig ang pangangalakal sa kalikasang ekonomiyang pansarili habang ang mga mahihirap na magsasaka ay nananatiling nasa ilalim nito. Ang pagpayag sa isang malaking kompanyang dayuhan na magtroso sa isang lalawigan ay nagpapakita lamang na naglilingkod lamang tayo sa alam nating mas kikita tayo.
Ang CLEx, NLEEx, at ang DEARP ay mga halimbawa ng mga makadayuhang proyekto sa ating probinsya: Ito'y hindi naglilingkod sa mga taumbayan, bagkus ay sa mga kapitalistang dayuhan. Ang mga lansangang ito ay hindi para sa transportasyon, kundi upang tangkilikin ang mga negosyong import-export ng mga dayuhan sa bansa natin.
Maraming mga magsasaka at manggagawang bukid ang mawawalan ng kabuhayan nang dahilan sa mga proyektong ito.
Ang mga Panginoong-Maylupa at ang Manggagawa
Ang tatsulok |
Ang isa pang katangian ng ating lipunan ay mala-pyudal, isang sistemang tila uod sa isang halaman, pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng ating bansa. Isang patunay nito ay ang paghahari ng mga panginoong-maylupa at pang-aalipin sa mga
magsasaka. Nangingibabaw ang isang porsyento (1%) ng may pera sa siyamnapu’t siyam (99%) na bahagdan ng nasa ibaba.
Walang karapatan ang isang magsasaka sa kanyang
lupang sinasaka na ng ilang dekada sapagkat ito ay pag-aari pa rin ng
mayayamang maylupa na lalo pang yumayaman sa tuwing nagbabayad ng renta ang
magsasaka. Ika nga, “Ang mayaman ay lalong yumayaman habang ay mahirap ay laong
naghihirap”. Pinamumukha nila sa atin na hindi totoo ang demokrasya.
Matagal na tayong binubulok ng ating
sistema. Ang mga nabanggit ay hindi paninira sa kalagayang sosyo-politikal ng
ating bansa ngunit ang lahat ng ito ay patotoo na lahat ng ito ay katotohanan.
Hindi natin hangarin na mag-aklas sa ating pamahalaan. Ang ating pangunahing
layon ay ipaalam sa mamamayan ang tunay na kalagayan ng ating bansa, ang imulat
ang mga taong nakaupo sa ganitong pangyayari; upang sa gayo’y mapaglingkuran
natin sila. Hindi lamang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili. Nabubuhay rin
tayo para sa ibang tao. Ang ating tungkulin ay palayain ang ating
kapwa-Pilipino sa kulungan na kinapipiitan nito.
Jerome Obina Estavillo, 18, Cabanatuan City, is a second-year student of
Wesleyan University-Philippines, taking up Bachelor of Science in Accounting
Technology.
Jerome is a member/officer of various youth organizations. He is
presently the Acting Circulations Manager and CBA Correspondent of Genré – the
Central Student Publication of WU-P, Deputy Secretary General of College
Editors Guild of the Philippines Central Luzon, Assistant Provincial
Coordinator of Kabataan Partylist Nueva Ecija, and Member of Philippine Youth
Media Network and Junior Accounting Technicians Organization.
Bonus:
though may isang namali ng konti dito, makatwirang mag-aklas sa isang di makatwirang lipunan
ReplyDeleteyour comment is highly apprciated Benjie
Delete