Special report for Community Development
Matagumpay na naisagawa ang "KALBARYO NG BAYAN", isang penitensya ng mga manggagawang bukid at kabataan ng Nueva Ecija nitong nakaraang ika-26 ng Marso sa pangunguna ng Samahan ng mga Magsasaka Laban sa CLEx at sa pakikipagtulungan ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luzon (AMGL).
Ang nasabing penitensya ay nagsimula sa isang misa sa Iglesia Filipina Independiente sa bayan ng Nampicuan, at tumuloy sa mga kalapit bayan na Cuyapo, Guimba, Sto. Domingo, Quezon, at Aliaga.
Ang penitensyang bayan ay isinagawa bilang protesta sa pagtatayo ng Central Luzon Expressway (CLEx) at ng North Luzon East Expressway (NLEEx) at magpanawagan para sa isang maka-masang sistema ng transportasyon. Kalbaryo sa mga magsasaka at mamamayan ng Nueva Ecija ang proyektong Central Luzon Expressway Phase 1 at 2 (CLEx) at North Luzon Expressway - East (NLEx East), ayon sa Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson - Nueva Ecija (AMGL – Nueva Ecija), Alyansa ng Mamamayan Laban sa CLEx (ALMA-CLEx), AMGL at Anakpawis Partylist-Gitnang Luzon, dahil ito ay magtutulak ng malawakang pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa mga magsasaka at mga manggagawang bukid.
Sa kabila ng magandang intensyon, nakaranas pa rin ng pananakot at kawalang respeto ang makatwiran, lehitimo, at mapayapang pagkilos na ito ng mga magsasaka mula sa pwersa ng kapulisan.Dan Kevin Roque
Sa kabila ng magandang intensyon, nakaranas pa rin ng pananakot at kawalang respeto ang makatwiran, lehitimo, at mapayapang pagkilos na ito ng mga magsasaka mula sa pwersa ng kapulisan.Dan Kevin Roque
No comments:
Post a Comment