Menu Bar

Tuesday, November 13, 2012

Pagkakaibigan




Pagkakaibigan
Christina Sanchez

Nag-umpisa sa napakatahimik,
Ni isa man ay walang umiimik.
Ngunit nang magkapalagayang-loob,
Animo’y magkakapatid.

Pearl, Saphire, Jade, at Diamond.
Pagkakakilanlan na sumuyod
sa ating karunungan at talento
Bumuo ng ating pagkatao

Sa lahat ng bagay na pinagdaraanan
Kasiyahan.
Kalungkutan.
Kabiguan.
Mga unos ng buhay na dumaan,
Siyang nagpatatag ng ating samahan.

Pagsasamahang walang maitutumbas
Ala-alang kailanma’y ‘di lilipas
sa puso at isipan ng bawat isa.


Christina Sanchez is a first-year Bachelor of Science in Secondary Education, major in English student  and a junior staff of Viewpoint. She dedicates this poem to her friends and classmates for four years in  Guimba National High School, Special Science Class.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...