Menu Bar

Thursday, January 17, 2013

Isang Kaibigan






Isang Kaibigan
Christina Sanchez

Napakatahimik ng ika’y makilala,
Ni ngumiti ay hirap mong ipaubaya,
Natatandaan ko pa nga nuon,
Na ako’y takot kapag ika’y naririyan na.

Sa isang paupahan nagsimula,
Mga pangyayaring kapuna-puna,
Kaguluhan at mga pagbabagong naganap,
Na animo’y tumatak sa puso ng lahat.

Aking napansin ang mga pakikisama,
Pakikipagusap at ngayo’y nakangiti na,
Ikaw mismo na nagbibigay saya sa iba,
Aking nasabi na “kaybait mo pala”.

Parang isang ama at kuya sa lahat,
Tumatayong pinuno kapag naglalahad,
Sa mga suliraning kinahaharap,
Pagsasamahang isa para sa lahat.

Lalo pang nagtumibay ang samahan,
Ng mabalitaan na ang ama’y pumanaw,
Masakit man na ito’y tanggapin,
Nasilayan namin na ika’y matatag pa rin.

Maraming salamat aking kaibigan,
Sa mga payo’t ating mga karanasan,
Sa kabila man ng iyong kasalanan,
Handa akong magpatawad at ito’y kalimutan.



Christina Sanchez is a BS Secondary Education Major in English student in Araullo University-PHINMA and Junior Staff  of ViewPoint. Her love for her friends inspired her to write this kind of poem. She dedicates this poem to her board mates most especially to Edward Genove. 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...