Menu Bar

Monday, December 24, 2012

Kabanata


This is the 6th poem for 13b42013 Poetry Series.

Kabanata
Joanne Carla De Tumol

Hindi namamalayan
Ngunit magtatapos nanaman
Ang isang taong punong magagandang samahan
At di malilimutang pagkakaibigan

Kay daling lumipas
Ng mga oras na umaalpas
Sa araw-araw na nagkasama-sama
Lalong nakilala ang isa’tisa

Sa dinami-dami ng mga nangyari
Pag-ibig ay nanatili
Mayroon mang di pagkakaunawaan
Sa huli’y wala pa ring pinabayaan

Sa susunod na kalendaryo
Sana’y kasama ka pa rin sa libro ng buhay ko
Hindi para mag mistulang palamuti
Ngunit para maghatid ng ngiti sa aking mga labi

Joanne Carla De Tumol  is a  BS Accountancy student in Araullo University-PHINMA and an Associate Producer of Viewpoint's New Media Arm, VPTV.  This poem is inspired by Joanne’s friends from the second semester of her Senior year and her newly found friends when she entered college. This poem is composed as a part of 13b42013  Poetry Series.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...