Menu Bar

Wednesday, December 19, 2012

Sarapitik



 

The 13b42013 Poetry Series is Viewpoint's year-end project. We hope to inspire you with our 13 different perspectives about endings. However, we do not believe in doomsday, so this shall run until the 31st.


Sarapitik
Dan Kevin Roque

Isang paru-paro
Sa sapot ko'y dumapo
Ang magandang pakpak
Sa pag-igkas ay nahapo

Ako'y nagalak sa pagkaing nasilo
Makulay na pakpak ay nabigo
Na iahon ang kawawang paru-paro
Sa sedang patibong ko

Nagmamadali kong tinungo nahuling mariposa
Ngunit isang bata ang sa kanya'y naawa
Sa malagkit na sapot siya'y pinalaya
"Tingnan mo, Inay, napakaganda"

Himutok ng puso at kalam ng sikmura
Ako ay muling nabigo at mata'y lumuha
Ang mas maganda at mahina
Dinaig ng tusong sa gabing ito'y magugutom



Dan Kevin Roque is currently taking up AB English Language and is the Managing Editor of Viewpoint. This poem is inspired by the imagery of a spider and how, in the wild, hunger has the undertones of death. Composed as part of 13b42013, this is the story of FAMINE, the Third Horseman of Apocalypse.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...