Menu Bar

Saturday, December 29, 2012

Mga Tanong ni Maria






This is the 11th poem for 13b42013 Poetry Series.

Mga Tanong ni Maria
Jillian Vergara

Nakadungaw sa bintana, sa mga bituin nakatingala
Si Maria na tahimik, puno ng pagkabahala
Sa dami ng katanungang nabuo sa kanyang diwa
Hindi na alam kung ano at alin ang dapat mauna


Unang tanong, “Paano nagsimula?”
Paanong ang isang taong hindi niya kilala,
Ay naging bahagi ng magulong mundo niya.
Lalo’t higit pa, ang nagpahilom ng puso niyang ulila.

Ikalawang tanong, “Kailan nag-iba?”
Ang ikot ng mundo, ang ningning ng mga tala?
Mga bagay na sa paningin noon ay walang halaga,
Nabigyan ng kahulugan at magandang ala-ala.

Ikatlong tanong, “Sino siya?”
Isang taong masasabi niyang tunay na dalubhasa
Sa paraang nagpakislap sa kanyang mga mata
At hindi inaasahang nagpatibok sa puso niya

Ikaapat na tanong, “Saan mapupunta?”
Ang sa una’y maganda, mahuhuli rin sa wala
Nang kanyang matuklasan, malaking sampal sa mukha
Sa puso ng mahal niya, hindi pala siya nag-iisa

Ikalimang tanong, “Bakit naniwala?”
Sa magandang pakikitungo, sa matamis na salita
Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya
Pagdurusa ng puso, hiling niya ay matapos na.

Naging mahirap para kaniya
Ang manahimik na lang at mag-aktong masaya
Sa tulong ng mga katanungang tumimo sa utak niya,
Sagot niya’y “Tapos na ating kabanata, paalam aking sinta.”

Lumipas ang panahon, may nagbago ba?
Marahil sa unang tingin, teka, parang wala
Ngunit sa loob niya, batid ng dalaga
Na ang puso niya’y payapa at masaya,
Balik sa simula.

Jillian Vergara is a BS Major in Accountancy junior in Araullo University-PHINMA and is a Staff Writer of Viewpoint.  This poem is based on a young woman's love story that ended sadly and too soon, and is inspired by the love stories of her barkada, Barney and Friends. She dedicates this poem to her friends Barney, Emily, Erika, Joana and R.A. This poem is composed as a part of 13b42013  Poetry Series.


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...