Menu Bar

Tuesday, December 25, 2012

Kung Alam ko Lang


This is the 7th poem for 13b42013 Poetry Series.


Kung Alam Ko Lang
Christina Sanchez

Isang taong aking pinagkatiwalaan,
Tinuring na kapatid at kaibigan,
Ibinigay sa kanya ang mga kahilingan,
Kahilingang aking pinanindigan at ipinaglaban.

Ang mga masasayang alaala,
Aking nagugunita ngayo'y wala sya,
Asaran, kwentuhan, tampuhan at iyakan,
Mga kaganapang hindi ko makalimutan.

Ako'y naging bulag at bingi,
Hindi namansin at nakinig,
Dahil sa labis na pag-ibig,
Sa isang taong aking bukambibig.

Sakit at paghihirap ay nararanasan,
Dahil sa mga salitang binitiwan,
Ng iyong mapaglarong isipan,
Isipang puno ng mga kasinungalingan.

Kung alam ko lang sana,
Ang sa aki'y magiging bunga,
Ng iyong mga pagbabalatkayo,
Na nagiwan ng sugat sa aking puso.

Pagmamahal ko'y magtatapos na,
Sa isang katulad mong walang awa,
Ni pagpapahalaga sa mga masasaktan,
Ay di mo naisip at nagawa man lang.

Christina Sanchez is currently taking up Bachelor in Secondary Education, major in English and a Staff  Writer of Viewpoint. This poem represents a love without doubts. She dedicates this poem to the man she loves but then, this man lies to her and at the same time he is already committed to another woman. This poem is composed as a part of 13b42013 Poetry Series.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...