Menu Bar

Wednesday, December 26, 2012

Tuyot na Paraiso





This is the 8th poem for 13b42013 Poetry Series.

Tuyot na Paraiso
Bryan Joseph Peralta

Kaysarap mabuhay sa mundo
Makulay
Puno ng buhay
Isang Masayang paraiso

Mayuming kalikasan
Mistulang Bahagharing nasa alapaap
Kaysarap mangarap
Sa piling ng luntiang kapaligiran

May kalayaan bawat nilalang
Malayang tumakbo, malayang lumipad
Saan man mapadpad
Ligtas sa gabay ng Maylalang

Ang buhay ay Langit
Isang matamis na panaginip
Nais kong maidlip
Himlay sa mundong tila isang magandang awit.

Bagong milenyo’y dumating
Mundo’y nawasak, nabigo
Nilapastangan, binayo
Kasamaang taglay, saan galing?

Paraisong dati’y kaysarap pagmasdan
Parang papel na sinira’t dinumihan
Tinapon sa mabahong basurahan
Hanap-hanap ko, ngayo’y nasaan?

Ang dating matatayog na puno
Nangamatay!
Nawalan ng buhay
Kabunduka’y nakalbo

Ang dating simoy ng hangin na ginhawa ang dulot
At buhay na naturingang Langit
Napalitan ng poo’t galit
Lahat ng ito’y biglang naging isang masamang bangungot.

Nalalapit na katapusan,
Sino ang may sala?
Ang ating mga makasalanang gawa
Dahilan ng paggunaw ng ating kalikasan.

Kalikasang luhaan
Nagsusumamo, nagmamakaawa
Humihingi ng kaunting simpatya
Kaunting oras ating ilaan, kalikasa’y ating alagaan.


Bryan Joseph Peralta  is a  BS Accountancy student in Araullo University-PHINMA and a Staff Writer of Viewpoint. His love for nature and his awareness of its deterioration inspired him to write these verses. This poem is composed as a part of 13b42013  Poetry Series.




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...