Nasaan Ang Pagbabago?
Christina Sanchez
Mga karayom na animo’y walang
tulis,
Hindi makapanusok, hindi magamit.
Sinulid na hindi maipasok-pasok,
Sa mga butas na napakalayo.
Nag-aalumingawngaw na lata,
Mga baryang hirap ipaubaya,
Sa mga karayom na namumutla,
Nagtitiis sa sakit, nagpupungay na mga
mata.
Nasaan? Nasaan?
Mga pagbabagong inaasam?
Kahirapa’y lalong lumalawak,
Mamamayan ngayo’y lalong
nasasadlak.
Papet na tinagurian,
Mga taong mapag-imbot sa kayamanan,
Kayamanang para sa lahat,
Pagkakapantay-pantay na hinahanap.
Hanging umiihip sa madilim na gabi,
Katabi’y karton, latang humihingi,
Pagdurugo ng puso’y nadarama,
Pamumunong hindi naging kaaya-aya.
Christina Sanchez is a Bachelor in Secondary Education sophomore in Araullo
University-PHINMA and is the Literary Editor of Viewpoint. She was
motivated to have a change in the social system of our country. She believes
that the Philippine Social Realities will awake the heart and mind of
youth .This is as a part of Gawad Bagwis Poetry Campaign Series.
ReplyDeleteAnimo'y po yun hindi ano'y.Thanks po