“Unang Pag- ibig”
Novabelle Pascua
Minsan isang araw ako ay umibig
Tahimik kong puso’y iyong nabulabog
Hindi ko mawari itong aking damdamin
Na para bang sasabog sa lakas ng kabog
Ganito pala ang unang pag- ibig
Lahat gagawin mapansin ka lamang
Pangalan mong tunay sa pader isinulat
Wag sanang mabunyag sulat kong
inilihim
Ngunit isang araw ako’y may nalaman
Mula sa aking kaibigang tunay
Ikaw din pala’y may pag sinta sa akin
Na nuon pama’y itinago sa amin
Hindi ko inasahang, ina ko’y
hahadlang
Para bang pader na hindi na mabubuwag
Oh. .kay hirap ng ganitong kalagayan
Para bang gusto ko nang mawalang
lubusan
Inalis kong pilit sa aking isipan
Hapdi at kirot nitong pusong
sinugatan
Nagsilbing bangungot, patawad kong
binitawan
Mga ala- ala ng “una kong Pag- ibig”
Novabelle Pascua is
a sophomore BS Civil Engineering student in Araullo University-PHINMA
and a staff writer of Viewpoint.
No comments:
Post a Comment