Piringang Mata
Lhea Vergara
Paano masisilip ang ginintuang pag-asa
Kung pilit kinukubli ang ating
mga mata
Pinipiringang wari sa maling adhika
At nagpapakalunod sa linsil na
nasa
Makakamit natin ang tugatog ng
tagumpay
Kung ang bulaos na tuwid ating
isasabay
Mga buktot na gawi'y ibaon na sa
lupa
At matutong tumindig sa mali at
sala
Huwag nang maghintay sa putok ng
hudyat
Kailangan ang pagkilos na
pag-asa ang buhat
Kaya't itong kaisipan na
nagiging pahat
Huwag na huwag magpalukom sa
buyo na kalat
Tayo nang simulan ating unang hakbang
Isayad ang paa, hawanin ang
hadlang
Piring sa mga mata'y, atin nang
watasan.
At masdan ang pagbangon nitong
ating bayan Ikaw
Pilipino! OO ikaw na nga,
Dapat kang magsilbi't bumangon
ng kusa,
'Pagkat pagbabagong nais ma'y
hindi iba ang paggawa,
Kundi ikaw mismo na nagbukas ng
mata't pang-unawa.
Lhea Vergara is a freshman Bachelor in Secondary Education, major in English student in Araullo University-PHINMA and is a staff writer of Viewpoint.
No comments:
Post a Comment