“Pangako”
Judiel
D. Bautista
Mga boses na tila walang tunog,
Tinik na mistulang palamuti,
Damdaming ikinukubli sa mga umaagos na likido,
Katotohanang nagiging mali.
Himig mula sa mga baga ng nanagngangalit,
Anino na animo’y hindi mapapansin,
Sugat sa mga nangungupas na dahon,
Halumigmig ng gabi sa pagputok ng araw.
Minsan ma’y nalingat,
Sa anay na magtatangkang sumira,
Sa gusaling kongkreto’t walang anumang makasisira,
Matatag sa gitna ng karagatan.
Inukit na mga salita’y panghahawakan,
Pagitang bangi’y magiging lakas,
Bangungot sa puso’y gagawing inspirasyon,
Sa pagtahak ng daang madilim at sanga-sanga.
Itimo sa mapaglarong isipan,
Pagpatak ng oras at panaho’y hindi sasayangin,
Bituin ay aabutin,
Judiel D. Bautista is a first year Bachelor
of Science in Accountancy student of Araullo University – PHINMA . He was
motivated to write this poem because of a promise to someone. This is as a part
of Gawad Bagwis Poetry Campaign Series.
No comments:
Post a Comment