Menu Bar

Saturday, August 10, 2013

Pisi ng Puso





Pisi ng Puso
Christina Sanchez


Gagamba’y aking nasilayan,
Ako’y namangha at ito’y sinamahan,
Sapot na nagdurugtong kailanman,
Aking niyakap, minahal nang lubusan.

Kahit anong hangil ng kanyang anak,
Hindi maiwan sapagkat sa kanya’y tapat,
Naghanap na lamang ng pagkain,
Tumambad mga insektong kakanin.

Masaya at mahirap pala,
Itong aking pag-ibig sa iisa,
Kailanma’y hindi naman nanagana,
Ngunit karunungan ay tinatamasa.

Sadyang kapag iyong pinili,
Kalunos-lunos pa ring minimithi,
Ang pag-aalay ng kamay sa lipi,
Ay tumatatak sa iisang pisi.

Ang pagsulat ay kabuuan,
Ito ay nasa puso at isipan,
Nalilinang ang mga kahinaaan,
Nadaragdagan ang mga kalakasan.

Pagbubunyi sa aking sarili,
Naglagay ng kulay sa labi,
Ngunit ito’y biglang nahapi,
Dahil sa pagkapatid ng pisi.

Puso’y nagkukubli ng sakit,
Kailanma’y hindi na maibabalik,
Gumugulo sa aking balintataw,
Bubuuin pa ba ang pising hinawakan?

Aanhin pa ang kinatawanan,
Kung ang anak ay lumisan,
Nawala sa sapot na tirahan,
At ang gagamba’y iniwan.

Christina Sanchez is currently taking up Bachelor in Secondary Education Major in English and is the Literary Editor of Viewpoint. She was inspired by the publication to find a joy  in serving the Araullians even in the shallowest depth of her journey

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...