Lasapin Ang Buhay
Abril
Layad Ayroso
Hinainan kita ng pag-ibig
Ika'y naalatan,
Ako'y tinalikuran.
Luha lamang ang iyong nalasahan.
Naghain ako ng rebolusyon
Ako'y hindi pinaniwalaan,
Lasa daw ay walang katuturan
Pagkat dugo lamang ang nagisnan.
Ipaghain ako ng kinabukasan
Ng aking mga magulang.
Ito'y dapat maalat, ang sabi
Pinatakan ng pawis ng pagpupursigi.
Minsa'y inisip kong magbigay
Ng paghihiganti
Kanya ang pait ng katotothanan,
Akin ang tamis ng kasalanan.
Nais kong matikman, at ipatikim
Lahat ng mainam ng buhay
Hindi ito tungkol sa tama't mali
Ang mahalaga ay ang paglasap sa kinain.
Abril Layad Ayroso is
a sophomore Bachelor of Arts major in English student in Araullo University-PHINMA
and a staff writer of Viewpoint.
4th paragraph:
ReplyDeleteKanya ang pait ng KATOTOHANAN
hala ka...
ReplyDelete