Sa pangangasiwa ng City and Environmental
Resources Office at nina G. Aristotle Corpus at G. Rolando Enriquez,
tatlumpu’t-dalawang mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Narsing ang sama-samang
nagtanim ng dalawang daan at dalawampu’t-apat na binhi ng puno ng narra sa
Sitio Alorma, Barangay Doña Josefa, Lungsod ng Palayan nitong nakaraang ika-2
ng Agosto. Layunin ng pagkilos na ito na hikayatin ang mga mag-aaral na
pangalagaan ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga binhi at
patuloy na pagsubaybay sa paglaki ng mga ito. Mary Joyce Jopson
No comments:
Post a Comment