Isang Hiling
Jhonelle Joy Ulidan
Gusto kong maging Malaya;
Mailabas ang aking pakpak at walang makikialam;
Lilibutin ang buong mundo at ibabalik ang sarili sa dati;
Tatanggalin ang mga kalungkutan at tutuyuin ang luha sa pisngi.
At kapag dumating ang oras na kailangan ko nang umalis;
Gusto kong pumunta sa lugar na walang pipigil sa pagiging tunay na ako;
Sa lugar na magagawa ko ang mga bagay sa sarili kong paraan;
Na walang katulong na ibang tao.
At kapag ako ay nagsalita;
Sana isa lang ang nais kong gawin ninyo;
Ang makinig sa panawagan ko.
Kung sana
madali lang ang lahat;
Kung sana
madaling makawala;
Sa hawlang
aking kinalalagyan;
Upang makami t
ang pansariling kalayaan;
Na hindi
mapasakin dahil sa mga hadlang.
Ngunit sa
ngayon, kailangan ng ibayong pagtitiis ;
Pagkakaroon ng
lakas ng loob at pag-asa;
Para makuha
ang inaasam na isang hiling;
Na magdudulot
sa akin ng kakaibang ligaya.
Jhonelle Joy Ulidan is a freshman Bachelor in BS Accountancy student in
Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.
No comments:
Post a Comment