Menu Bar

Wednesday, April 17, 2013

I Will Never Stay Idle



Special Feature: Philippine Social Realities

 “Our hope is placed on you.  The world belongs to you.  The future belongs to you.” - Mao Tse Tsung


Moments when I viewed my grades online, when my heart sank into frustration, and a part of me burst of regret — flabbergasted by the numbers that appeared on the computer screen. A little dissatisfied, perhaps because I knew that wasn't tantamount to all of my laudable efforts on the academe.
A roster of Uno’s yet still lacks a .7 to reach the average of 1.25 to be qualified as a President’s Lister (though I am thankful now being a Dean’s Lister).
It took me an hour to move on from the regret; it took me countless text messages from my comrades to make me feel relieved. And while over-thinking of some people I knew who qualified for PL, I recalled my personal experiences with them inside the four walls of the classroom — my regrets vanished into oblivion.
I was like a kid on my first month of stay in my University, confident that this institution will prepare me for life, and even make me feel safe for the next 3 years to come.
then my first year of college opened my eyes to reality. The lessons were copied then pasted from the internet, the syllabi wholly imitated from other schools, the kind of system implemented a facsimile of, yet again, that from other schools, and some professors teaching inefficiently and imposing unethical rules, I formed a notion that it is, perhaps, the reason why several students are academically good yet politically ignorant.
Indeed. To graduate with flying colors is a passport to a more sustainable future. But what kind of future is to come if the present is already lambasted with fascist dictatorship, with semi-colonial and semi-feudal systems, if our present is repeatedly raped by abusive and imperialist nations, if the present has a cue of an unbearable future?  
Algebra, Science, English... aren't we forgetting the Society and its system? If Society (the out-of-the-box context of it) is just a subject to be learned and analyzed at school, I guess people will not anymore become ignorant: Indeed, they will finally fight for their rights; finally realize that they are being suppressed without knowing it at all.
I bet students will no longer be a mere Laude who is theoretically good yet unable to apply his/her knowledge into practice. If all are to study society and how our nation and the Filipino people are being maltreated and abused, perhaps people will demand for justice, and that these inhumane systems will be changed.
I will never ever forget this one teacher of mine, not for the low grade that he gave me, but for his alleged accusations that made me furious at him. I blurted profanities while thinking of defending my right as a student. I then said to him, “Sir, your action just clearly justifies that the education system is colonial, commercialized, and fascist. And that I refuse to embrace this kind of system.”
Some of my classmates thought that I was over reacting on a little issue. But if only they were aware of the neo-liberal policies that made the education system poor and dreadful — that made Kristel Tejada suffer and surrender — if only they knew how many underprivileged youths were desperate enough to try prostitution and other less-than moral choices just to go to school, if only they saw lots of parents painstakingly sweeping every corner of a capitalist’s office just to pay his/her child’s high tuition and other fees at school, I guess they would somehow understand my battle.
I guess they would no longer laugh at me when I’m discussing the society’s ill-fated situation, the political issues and how they are being affected by them. I hope they would no longer react sarcastically when I am tasked to report the peasant situation in the Philippines. I guess they would no longer be busy memorizing our lectures while the Union has a greater chance to conduct a strike. I guess, and hope, that they would embrace our day to day battle.
And I suppose my professor would somehow realize that all battles are related. And that we are all part of a one struggle.
Of the two semesters, I learned ‘some’ things. Though majority of it came from spoon-fed lessons and memorizing the word-for-word definition of a term that one can also simply defined in a simple, straightforward sentence, I learned more, and guess where? It’s with integrating with the peasants and laborers; it’s living in the unfortunate communities, it’s in socializing with the marginalized sectors; it is being with the MASSES and UNDERSTANDING them. It is being with them that I learned of the real-world difficulties and how we can solve them — It is with them that I learned the essence of applying THEORY into PRACTICE.
For whom do you study hard? For whom do you work? To live and toil solely for your OWN satisfaction is like not living a LIFE at all. A friend once told me, “Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mabuhay ng walang nagawa para sa bayan.”
To quote my one professor, “Grades are just mere figures.” Numbers don’t define you. Numbers don't measure your precious experience.
I regret nothing now. I do not regret of not pursuing my summer job as a call center agent and setting aside the opportunity to earn money. For I have been working, not for myself, but for the majority and for a better world, without salary, and through my work I have earned many things more than the amount of a call center’s income could compensate.
We are often labeled as extremist, as rebels, as noisy unsatisfied radicals. But the state never affirms, never exhibits, that we are SERVING THE PEOPLE.
I am thankful being able to go to school. I am thankful to see the big picture. And one thing is for sure, I will never stay SILENT and IDLE. Never. Lester May Castillo

Friday, April 5, 2013

Gapos ng Nakaraan, Tinik ng Kasalukuyan



"…at lahat ng bagay sa mundo ay lalaya sa piitang kinasadlakan nito
kung aalisin natin ang taling lalong bumibigti sa ating diwang makabayan."

Kailan tayo nakakaranas ng kalayaan? Kapag ba walang bumabawal sa ating ninanais? Kapag ba alam natin na walang hangganan ang ating ginagawang bagay? O kapag malayo tayo sa impluwensya ng iba? Iba-iba ang pagpapakahulugan natin sa kalayaan. Ngunit sa pagbigay pakahulugan sa kalayaang tinatamasa natin ngayton, huwag nating kalimutang tingnan ang nakaraan.

Mala-kolonyal ang isa sa mga katangian ng lipunan ngayon. Ang kasamaang ito ay dulot ng pananakop sa atin ng mga dayuhan. Sa ilang siglo na pamamalagi nila sa ating bansa, nabuhusan tayo ng pang-aalipin, pang-aalipusta, at pangmamaliit. Ito ang naging dahilan kung bakit bumaba ang pagtingin natin sa ating sariling kultura. Ikinintal nila sa ating isip na ang anumang gawang dayuhan ay mas mainam kaysa sa sariling atin.

Ang mga dayuhang ito ang pangunahing dahilan ng pagsulpot ng mga negosyong kolonyal, sanhi upang tayo ang maging mala-debotong taga-tangkilik ng mga ito. Ang pagpapatuloy ng kalagayang ito ay nagpapatunay na isang kasinungalingan kung sasabihin nating tunay tayong malaya mula sa kolonyal na pag-iisip.

Kalayaan mula kay Uncle Sam
Hulyo 4, 1946 – hindi ito ang araw ng kalayaan natin sa mga Amerikano. Hindi ito ang katapusan sa lahat ng napagdaanan nating kaguluhan. Bagkus, ito ay ang simula ng isa na namang kalbaryo nating mga Pilipino. Hindi tayo malaya. Binitiwan man tayo ng kanilang mga kamay, nanatili tayong nakatali sa lubid ng kanilang panloloko. Nakabitin tayo sa tali na sila rin naman ang may hawak at habang tumatagal, lalo nila tayong binibigti. Ayon nga sa isang aklat ni Amado Guerrero, maka-isang panig ang mga mayorya ng mga kasunduang nagpapatungkol sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos.

Ang pagkakaroon ng base-militar sa bansa, ang mga batas na nagsasabing maaari nilang palawigin ang kanilang teritoryong-base sa bansa at maaari nilang gawin ang gusto nilang gawin, hindi ba’t mas masasabi pa natin na mas malaya pa sila kaysa sa tayong mga Pilipino na tumubo’t nagkaisip sa Perlas ng Silangan? Paano na tayong mga Pilipino? Mananatili na lang ba tayong papet ng dayuhan? Paano na ang mga burges na sumasaklaw sa pinakamalaking bilang ng tao sa ating bansa?

Kapitalismo
Isa sa ebidensya nito ay ang impluwensiya ng kapitalismo at pagkakalagay sa saklaw ng sistemang kapitalista. Nananaig ang pangangalakal sa kalikasang ekonomiyang pansarili habang ang mga mahihirap na magsasaka ay nananatiling nasa ilalim nito. Ang pagpayag sa isang malaking kompanyang dayuhan na magtroso sa isang lalawigan ay nagpapakita lamang na naglilingkod lamang tayo sa alam nating mas kikita tayo.

Ang CLEx, NLEEx, at ang DEARP ay mga halimbawa ng mga makadayuhang proyekto sa ating probinsya: Ito'y hindi naglilingkod sa mga taumbayan, bagkus ay sa mga kapitalistang dayuhan. Ang mga lansangang ito ay hindi para sa transportasyon, kundi upang tangkilikin ang mga negosyong import-export ng mga dayuhan sa bansa natin.

Maraming mga magsasaka at manggagawang bukid ang mawawalan ng kabuhayan nang dahilan sa mga proyektong ito.



Ang mga Panginoong-Maylupa at ang Manggagawa
Ang tatsulok
Ang isa pang katangian ng ating lipunan  ay mala-pyudal, isang sistemang tila uod sa isang halaman, pumipigil sa tuluyang pag-unlad ng ating bansa. Isang patunay nito ay ang paghahari ng mga panginoong-maylupa at pang-aalipin sa mga magsasaka. Nangingibabaw ang isang porsyento (1%) ng may pera sa siyamnapu’t siyam (99%) na bahagdan ng nasa ibaba.

Walang karapatan ang isang magsasaka sa kanyang lupang sinasaka na ng ilang dekada sapagkat ito ay pag-aari pa rin ng mayayamang maylupa na lalo pang yumayaman sa tuwing nagbabayad ng renta ang magsasaka. Ika nga, “Ang mayaman ay lalong yumayaman habang ay mahirap ay laong naghihirap”. Pinamumukha nila sa atin na hindi totoo ang demokrasya.

Matagal na tayong binubulok ng ating sistema. Ang mga nabanggit ay hindi paninira sa kalagayang sosyo-politikal ng ating bansa ngunit ang lahat ng ito ay patotoo na lahat ng ito ay katotohanan. Hindi natin hangarin na mag-aklas sa ating pamahalaan. Ang ating pangunahing layon ay ipaalam sa mamamayan ang tunay na kalagayan ng ating bansa, ang imulat ang mga taong nakaupo sa ganitong pangyayari; upang sa gayo’y mapaglingkuran natin sila. Hindi lamang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili. Nabubuhay rin tayo para sa ibang tao. Ang ating tungkulin ay palayain ang ating kapwa-Pilipino sa kulungan na kinapipiitan nito.

Ipaglaban ang tama mga kasama! Sumulong, sumulat... Manindigan at magmulat!





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...