Menu Bar

Friday, July 27, 2012

Leksyon ni Maestro| Takot sa Sariling Multo


Photo credits to http://selmainthecity.files.wordpress.com/2008/01/hw-00048-challoween-cartoon-ghost-posters.jpg
Namulto ka na ba? Masaya sigurong simulan ang kwentuhan natin ngayon sa tanong na aking nabanggit. Maaring hindi o isang malakas na oo ang isinisigaw mo sa iyong isipan. Bakit nga ba may multo? At bakit takot tayo dito? Oops, hindi ang multo na nasa inyong isipan ang aking tinutukoy. Hayaan nyo akong bigyan ng konting kulay at gilas ang usapan sa paghahalimbawa ng ating mga gawa sa araw – araw at ang ating pakikisalamuha sa kapwa tao sa mundong ito.

Takot ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw... ibig sabihin kaya ay takot din ang multo sa kapwa multo? Hmm, limiin natin at lagyan ng sustansya ang usapan sa pag gamit ng salitang – INSECURE. Sabi ni Google ang salitang insecure daw ay nangangahulugan na may takot, pangamba, pagdududa sa kakayahan at tiwala sa sarili ang isang tao kaya’t pinipilit nitong paglabanan ang insecurity sa paraang tumatama naman sa iba. Ano nga ba ang punto ni Maestro sa ideyang inilatag niya ngayon sa hapag ng diskurso? Simple lang, Mahilig tayong manakot pero ng mag laon ay tayo na mismo ang tumatakbo, sumisigaw at nanginginig sa takot. Bakit kaya? Bahagi kaya ito ng ating insecurities?

Sa mga pagbabago na ating ipinakikilala at ipinatutupad ngayon sa ating pamantasan, hindi maiiwasan na may mga Multo na sa atin ay mananakot, pipilitin nilang sabuyan ng kadiliman ang mga busilak nating hangarin na makapag lingkod sa mga mag aaral. Nawa’y maglublob muna sila sa isang malinis na batis bago sila pumuna ng mga kanya-kanya nating mga dumi. Takot man ako sa multo, mananaig pa din ang pananampalataya ko sa tamang gawa at sa aking kayang gawin. Wish na lang ni Maestro sa mga multong nagkalat ngayon na matiwasay sana silang makatawid sa liwanag sa kabila ng mga maitim na plano't balakin. Lagi na lang tandaan, na ang aanhin pa ang multo kung takot ka na sa sarili mo. #

5 comments:

  1. Bakit kaya kailangan pang gawan ng article yung mga ganitong bagay. Nagmuka lang puchu puchu 'tong ViewPoint. Sa madaling salita, nagmukang cheap. Pwede namang daanin sa maganda at maayos na paguusap. Hindi ito magandang halimbawa sa isang estudyanteng katulad ko. Wala po akong pakialam kung sino man yung tinutukoy nyo, ang akin lang mas madaming magandang bagay na pwedeng ilagay dito c(:

    ReplyDelete
  2. Maraming Salamat sa inyong opinyon, bahagi po ito ng Malayang Pamamahayag na nais ikampanya ng ViewPoint. Bilang pangunahing dahilan kung bakit may pahayagang pang estudyante, umasa kayo na patuloy pang mag bubuhos ng oras at talento ang grupo para maihatid lamang ang mga napapanahong isyu na dapat malaman ninyong lahat. ;)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...