Menu Bar

Showing posts with label Poetry. Show all posts
Showing posts with label Poetry. Show all posts

Friday, November 22, 2013

Sa Liwanag

Sa Liwanag
Abril Layad Ayroso

Ilang toneladang lupa nga ba ang magbabaon
     sa mga pahina ng pahayagan?
Ilang buhay nga ba ang kanilang kayang utasin,
     at mawawala ng hindi
     napapansin?
Saksi ang buwan sa madugong paghalay
     ng mga gahaman sa dalagang karapatan.
Inaakala yata nila na ang karuwaga’y
     humihigit sa ating paninindigan.
Oo, lumilipas ang panahon.
Oo, madilim ang kalangitan; subalit tayo’y
    hindi titigil, tayo’y
    hindi papipigil
sa pagsulat at pagmulat ng mamamayan
     sa liwanag ng buwan, at
     sa liwanag ng sulo.

Thursday, August 15, 2013

Punongkahoy



Punongkahoy
Dan Kevin Roque

Ang iyong matitikas na mga braso
ay mga sangang inaabot ang langit
sa pagpupuri kay Bathala.

Ang iyong mga paa
ay mga ugat;
sa iyong nagpapatibay.
Nag-uugnay
sa dakilang pamana ng nakaraan.

Ang kalamnan ng iyong dibdib
ay patunay ng iyong paninindigan;
tanda ng mga unos
at sigwang pinagdaanan.

Ang iyong buhok
ay napalalamutian
ng mga bulaklak.


Dan Kevin Roque is a sophomore Bachelor of Arts, major in English student at Araullo University-PHINMA. He is also the Editor-in-Chief of Viewpoint, a Pamiyabe 2013 Fellow, and a recipient of the Gawad Emman Lacaba Special Citation for Poetry. He dedicates this poem to his friend, fellow writer, and comrade, Keypii Aguayon whom he met first met November 2012, in CEGP's Lunduyan Congress. This poem is a part of the Gawad Bagwis poetry series.

Wednesday, August 14, 2013

Nakalimutang Kahapon



Nakalimutang Kahapon
Pauline Joy Gelacio 

Ginapos na tinig’y
nagpupumilit,
nagpupumiglas,
nagmamakaawa,
gustong kumawala.

Aking mahal na ina’y umiiyak,
nagugugtom,
nauuhaw,
Hindi makahinga.
Hindi makasigaw.

Isinubo, nginuya,
Pagkatapos ay iluluwa.
Ito ba ang sinasabi mong
Tamang paggamit sa wika?

Kay bilis mong nakalimot,
pagsinta mo’y bakit nilumot?
Bakit sa tanikalang bakal
Ika’y nagpasakal!

Ikaw Pilipino!.
Kailan ka gigising?
Kailan ka babangon?
Sa’yong pagkalunod
Kailan ka aahon?

Pauline Joy Gelacio sophomore Bachelor of Secondary Education , major in English student at Araullo University-PHINMA. She is also the Feature Editor of Viewpoint. She dedicates this poem of hope for all the people who experienced adversities in life and survived, and for those who are still battling their demons. This is a part of the Gawad Bagwis poetry series

Tuesday, August 13, 2013

Lahi ng Lipi



Lahi ng Lipi
Sweet Cel Dela Cruz

Ako ay isang Pilipino,
At Filipino ang wika ko,
Mula sa dila ng ninuno,
Isang wikang mahal kong buo.

Mahal kong wikang Filipino,
Ano ba maikukwento mo?
Anong hirap ba ang dinanas?
Upang ikaw ay maitaas?

O kay haba ng iyong kwento,
Kabiyak historyang Pilipino,
Dugo at pawis ang pumapatak,
Ikaw lama'y maipanganak.

Bagamat tayo'y inaapi,
Nawa'y wag tayong magpagapi,
Wag ipagpalit, ating wika,
Para sa dila ng banyaga.


Sweetcel is a sophomore Bachelor of Arts, major in English student at Araullo University-PHINMA. She is also the Managing Editor of Viewpoint. She dedicates this poem of hope for all the people who experienced adversities in life and survived, and for those who are still battling their demons. This is a part of the Gawad Bagwis poetry series.










Monday, August 12, 2013

Lasapin Ang Buhay

Lasapin Ang Buhay
Abril Layad Ayroso

Hinainan kita ng pag-ibig
Ika'y naalatan,
Ako'y tinalikuran.
Luha lamang ang iyong nalasahan.

Naghain ako ng rebolusyon
Ako'y hindi pinaniwalaan,
Lasa daw ay walang katuturan
Pagkat dugo lamang ang nagisnan.

Ipaghain ako ng kinabukasan
Ng aking mga magulang.
Ito'y dapat maalat, ang sabi
Pinatakan ng pawis ng pagpupursigi.

Minsa'y inisip kong magbigay
 Ng paghihiganti
Kanya ang pait ng katotothanan,
Akin ang tamis ng kasalanan.

Nais kong matikman, at ipatikim
Lahat ng mainam ng buhay
Hindi ito tungkol sa tama't mali
Ang mahalaga ay ang paglasap sa kinain.

Abril Layad Ayroso is a sophomore Bachelor of Arts major in English student in Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.

Bukang-Liwayway




Bukang-Liwayway
Dan Kevin Roque


Malamig ang lupa
sa ilalim ng aking mga paa,
mula sa pagkabasa sa ulan.

Kasabay ng pag-ahon
ng Haring Araw sa Silanganan
ang mga ibon
ay nagsipag-awitan.

Awit ng pag-asa;
humahaplos sa puso,
gumigising sa diwa.

     Sa umaga ang tula ay umuusbong
kasabay ng paglimot
sa pait ng kahapon.



Dan Kevin Roque is a sophomore Bachelor of Arts, major in English student at Araullo University-PHINMA. He is also the Editor-in-Chief of Viewpoint, a Pamiyabe 2013 Fellow, and a recipient of the Gawad Emman Lacaba Special Citation for Poetry. He dedicates this poem of hope for all the people who experienced adversities in life and survived, and for those who are still battling their demons. This is a part of the Gawad Bagwis poetry series.

Sunday, August 11, 2013

“Unang Pag- ibig”




“Unang Pag- ibig”
Novabelle  Pascua



Minsan isang araw ako ay umibig

Tahimik kong puso’y iyong nabulabog

Hindi ko mawari itong aking damdamin

Na para bang sasabog sa lakas ng kabog



Ganito pala ang unang pag- ibig

Lahat gagawin mapansin ka lamang

Pangalan mong tunay sa pader isinulat

Wag sanang mabunyag sulat kong inilihim



Ngunit isang araw ako’y may nalaman

Mula sa aking kaibigang tunay

Ikaw din pala’y may pag sinta sa akin

Na nuon pama’y itinago sa amin



Hindi ko inasahang, ina ko’y hahadlang

Para bang pader na hindi na mabubuwag

Oh. .kay hirap ng ganitong kalagayan

Para bang gusto ko nang mawalang lubusan



Inalis kong pilit sa aking isipan

Hapdi at kirot nitong pusong sinugatan

Nagsilbing bangungot, patawad kong binitawan

Mga ala- ala ng “una kong Pag- ibig”

Novabelle Pascua is a sophomore BS Civil Engineering student in Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...