Menu Bar

Saturday, July 20, 2013

Ang Malayang Daga




Ang Malayang Daga
Marcelino Halili III

Ang kawawang pusa
kumakalam ang sikmura
kung saan-saan lumilinga
makahanap lang ng pagkaing masustansya.


Ang malayang daga
pagala-gala
palukso-lukso, patakbo-takbo...
walang kamalay-malay na sa gilid-gilid ay may tuso.


Sa pagsunggab ng pusa, pagpulas ng daga
pagsukol sa daga, napala ng pusa
sa likot at pagpalag ng mapag-paasang daga
sya'y nakawala!
Nadismaya at naluha ang pusa
ito'y sumuko at tumalikod
sabay naglakad palayo.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...