Menu Bar

Friday, November 9, 2012

Tahanan Kapiling ang mga Kaibigan




Tahanan Kapiling ang mga Kaibigan
Celina Castillo

Magkahiwahiwalay man tayo,
aAt iba-iba man ang ating mga gusto,
Lagi nyong tatandaan na minsan,
Nagkasama tayo sa pagbuo ng kasiyahan.

Dumating man ang ilang problema,
May nagka-away man na iba,
Sa huli napagbati rin sila,
Ng masasaya nilang alaala.

Salamat sa bawat oras na kasama ko kayo,
Binuo nyo ang nawawalang parte ng buhay ko,
Hindi lang kayo narito sa isip ko,
Tumagos pa hanggang sa puso ko.

Kung may isang bagay ako na nais balikan,
Uulit-ulitin kong kayo’y masamahan,
Hindi lang tayo basta magkakaibigan,
Dito ko napatunayan na may isang TAHANAN…



Celina Castillo is a sophomore BS in Accountancy student at Araullo University-PHINMA and is one of the senior staff of the student publication Viewpoint. She dedicates this poem to all the friends she made in her two-year stay in the university.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...