Menu Bar

Thursday, March 14, 2013

Please Pangulo



President-elect William Villegas, 3rd year AB Political Science student.
(Illustration by Kenneth Garcia)

Eleksyon na naman. Sa wakas, nagka-eleksyon ulit dito sa ating Pamantasan. Isa lang ang ibig sabihin nito: umiiral pa rin ang demokrasya. Pero hindi ang eleksyon ang mahalaga, hindi ang pagpili, bagkus ay ang mga magaganap pagkatapos ng pagpili.


Lahat naman ng mag-aaral ay may mga hinaing at mga kahilingan, kaya naman talagang mahirap maupo sa posisyon ng kapangyarihan dahil sa’yo mapupunta ang lundo ng pag-asa at mga hiling nila. Pero magdadagdag lang ako ng kaunti sa’yong mga intindihin.

Sa iyong pag-upo sa pwesto at panunumpa sa katungkulan, tinatanggap mo ang tiwalang ibinigay sa’yo ng mga kapwa mo mag-aral. Hindi ito simpleng seremonyas lamang upang maging pormal ang iyong panunungkulan. Ang unang hiling ko sa’yo ay manumpa ka ng gamit ang iyong puso at hindi ang iyong bibig.

Ang pag-upo sa pwesto ay parang pagtuli lang. Hindi isang pukpok lang ang pagiging pangulo. Mahabang gamutan yan. Sana’y kaya mong manindigan sa mga pangakong binitawan mo at tiisin ang batikos at sakit na ibabato sa’yo Kailangan mo kasing ipakita na matapang ka, sapagkat ikaw ang tutularan nila.

Alam naman naming na may ambisyon ka, kaya ka nga tumakbo, ‘di ba? Ngunit sana, hindi lamang ambisyon ang tingnan mo. Maraming Araullian din ang nag-aambisyon: nag-aambisyong makatapos ng pag-aaral, mapaglingkuran nang tama, tanggapin ang dapat ay sa kanila.

Utang mo sa kanila ang pag-upo sa pwesto, kaya utang na loob, PAKINGGAN MO SILA! Tama na ang pagbubulag-bulagan. Alam nating may mga reklamo ang mga kapwa natin Araullian, bigyan natin sila ng tinig, Palayain mo ang utak mo sa pagkakakulong. Masahol pa sa mangmang ang mangmang na magmamarunong.

Ano nga ulit yung plataporma mo? Kailangan ng Araullo ng mga programang papakinabangan talaga ng mga mag-aaral at hindi yung pampabango lang ng resume mo. Kailangan namin ng mga programang masaya; baka maburyong ang mga mag-aaral. Sabi nga sa English, “All work and no play makes Juan a dull boy.” Pero sana yung kasayahang may katuturan naman.

Huwag mo nang balikan ang pagkakamali ng nakaraan, huwag mo na silang batikusin pa. Huwag ka na rin mag-isip ng dahilan sakaling pumalpak ka; ang pagdadahilan ay para lang sa mga taong ‘di kayang harapin ang katotohanan. Maniwala kang kaya mong baguhin ang sistema, pero huwag umasa sa himala dahil wala pang nananalo sa lotto na hindi tumataya!

Mabuhay sa’yo! Ngunit ngayon pa lamang magsisimula ang iyong tunay na laban. Dan Kevin Roque 

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...