Junior
Marketing Association’s Chief Executive Officer, Ms. Dhanna Khristina Victorio
brought victory to Araullo University-PHINMA as she took home the championship
in the annual Marketing Pitch Competition in which 37 schools participated,
including ADMU, DLSU, SLU, and University of Pangasinan. The competition was
held at University of Pangasinan last August 31 where employees from Manila
Bulletin and MRN Marketing nationwide served as judges. Lhea
Vergara
Showing posts with label Lhea Vergara. Show all posts
Showing posts with label Lhea Vergara. Show all posts
Saturday, August 31, 2013
Thursday, August 8, 2013
HRM at Tourism students, nagkaisa
Sama-samang ipinahayag ng Hotel and Tourism
Management Society (HTMS@AU) na binubuo ng mga mag-aaral ng BS Hotel and
Restaurant Management, at Bs Tourism Management, ang kanilang pagnanais matamo
ng global competitiveness sa kanilang
isinagawang General Assembly na may
temang “HTMS@AU-PHINMA: Aim High. Be
globally competitive” nitong nakaraang ika-8 ng Agosto. Sina G. Julius Sta
Maria mula sa Nueva Ecija Assessor’s Association, at Bb. Vanessa V. Jopillo ng
Planes and Places Travel Services ang mga nagsilbing panauhing pandangal sa
nasabing pagtitipon. Lhea Vergara
Tuesday, August 6, 2013
Piringang Mata
Piringang Mata
Lhea Vergara
Paano masisilip ang ginintuang pag-asa
Kung pilit kinukubli ang ating
mga mata
Pinipiringang wari sa maling adhika
At nagpapakalunod sa linsil na
nasa
Makakamit natin ang tugatog ng
tagumpay
Kung ang bulaos na tuwid ating
isasabay
Mga buktot na gawi'y ibaon na sa
lupa
At matutong tumindig sa mali at
sala
Huwag nang maghintay sa putok ng
hudyat
Kailangan ang pagkilos na
pag-asa ang buhat
Kaya't itong kaisipan na
nagiging pahat
Huwag na huwag magpalukom sa
buyo na kalat
Tayo nang simulan ating unang hakbang
Isayad ang paa, hawanin ang
hadlang
Piring sa mga mata'y, atin nang
watasan.
At masdan ang pagbangon nitong
ating bayan Ikaw
Pilipino! OO ikaw na nga,
Dapat kang magsilbi't bumangon
ng kusa,
'Pagkat pagbabagong nais ma'y
hindi iba ang paggawa,
Kundi ikaw mismo na nagbukas ng
mata't pang-unawa.
Lhea Vergara is a freshman Bachelor in Secondary Education, major in English student in Araullo University-PHINMA and is a staff writer of Viewpoint.
Thursday, August 1, 2013
Asembliya ng JMA-AU, ginanap
Muling nagtipun-tipon ang Junior Marketing
Association (JMA) AU-PHINMA upang magsagawa ng kanilang taunang Pangkalahatang
Pulong nitong nakaraang Agosto 1 na ginanap sa gymnasium ng Araullo University
sa pangunguna ni G. Jann Mark M. Estremera. Ang tampok ng nasabing pagpupulong
ay ang paglilipat ng responsibilidad mula sa nakaraang pamunuan tungo sa
kasalukuyang pamunuan na pinangungunahan ni Bb. Dhanna Victorio.
Layunin ng asembliya na maipakita ang
kanilang taos-pusong pagtanggap sa mga bagong miyembro ng JMA-AU at magbigay
karangalan sa mga dean’s listers na
nasa organisasyon. Inihayag din ng mga opisyal ng JMA ang kanilang plano para
sa taong ito.
Dinaluhan ito ni G. Emmanuel N. Santos, ang program director ng Sales Academy of the
Vista Center for Professionals, na nagbigay ng mensahe para sa mga Marketing students. Lhea Vergara
Tuesday, July 30, 2013
JPIA nagtipon para sa Assembly
![]() |
| Officers pose for a photo during the Annual General Assembly Photo Credits to JPIA-AU |
Ang Junior Philippines Institute of
Accountants AU-PHINMA Chapter (JPIA-AU) ay naglunsad ng kanilang Pangkatang
Pagpupulong na may temang “JPIA AU-PHINMA: Activating Untapped Potentials”
nitong nakaraang ika-30 ng Hulyo.
Layunin ng nasabing pagpupulong na
maipakilala ang mga opisyal ng kanilang organisasyon para sa taong ito, at
maipakita ang kanilang pagtanggap sa mga bagong miyembro ng JPIA. Ang
asembliyang ay dinaluhan ni Bb. Tecsie I. Sotto na siyang nagsilbing panauhing
pandangal. Lhea Vergara
|
Subscribe to:
Posts (Atom)
