Menu Bar

Thursday, August 1, 2013

Asembliya ng JMA-AU, ginanap




Muling nagtipun-tipon ang Junior Marketing Association (JMA) AU-PHINMA upang magsagawa ng kanilang taunang Pangkalahatang Pulong nitong nakaraang Agosto 1 na ginanap sa gymnasium ng Araullo University sa pangunguna ni G. Jann Mark M. Estremera. Ang tampok ng nasabing pagpupulong ay ang paglilipat ng responsibilidad mula sa nakaraang pamunuan tungo sa kasalukuyang pamunuan na pinangungunahan ni Bb. Dhanna Victorio.

Layunin ng asembliya na maipakita ang kanilang taos-pusong pagtanggap sa mga bagong miyembro ng JMA-AU at magbigay karangalan sa mga dean’s listers na nasa organisasyon. Inihayag din ng mga opisyal ng JMA ang kanilang plano para sa taong ito.

Dinaluhan ito ni G. Emmanuel N. Santos, ang program director ng Sales Academy of the Vista Center for Professionals, na nagbigay ng mensahe para sa mga Marketing students. Lhea Vergara

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...