Menu Bar

Wednesday, August 7, 2013

"Para Sa Aking Ina"

"Para Sa Aking Ina"
Mary Joyce Jopson

O aking inang siyang ilaw ng tahanan
Buong pamilya'y sa iyo humuhugot ng lakas
Napupunan mo ang bawat pagkukulang
Pagmamahal mo'y hinding hindi pagdududahan

Hindi ko maipinta ang mundong wala ka
Tiyak ako'y mangungulila ng lubusan
Kaya't bawat araw ay ipinagpapasalamat namin sa Panginoon
Na ika'y narito sa aming piling

Patawarin mo kaming mga anak mo
Kung minsa'y sukab at palasagot
Hindi man namin tuwirang masasabi't
Mahal na mahal ka namin Nanay.

Mary Joyce Jopson is a freshman Bachelor in Elementary Education student in Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...