Menu Bar

Monday, August 5, 2013

Nakanting Damdamin




Nakanting Damdamin
Rommel Ortaleza

O kay hapdi nitong yaring damdamin
Na salat sa pagmamahal ng tao sa paligid
Kailan ba masasabing ito'y malaya na rin
Sa sakit na idinulot sa pakanti sa damdamin

Mahirap tanggapin kay sakit isipin
Na sa kabila nang pagsisikap ko'y
Itong aking damdamin
Sa kangkungan pupulutin

Hindi ka ba nag-iisip
Hindi ka na nahahabag
Malinaw sa iyong paningin
Pamamalimos nitong damdamin

Sana'y sa pagdaop ng iyong mata sa dilim
Ay maaninag ang isang puso na naghihingalo na rin
Matanto na sana ang pagkakamaling idinulot
At makalaya na sa sakit ang nakanting damdamin.

Rommel Ortaleza  is a semior Bachelor of Arts, major in English student in Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.
                                   

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...