Menu Bar

Saturday, August 31, 2013

Victorio dominates Marketing Pitch Competition

Junior Marketing Association’s Chief Executive Officer, Ms. Dhanna Khristina Victorio brought victory to Araullo University-PHINMA as she took home the championship in the annual Marketing Pitch Competition in which 37 schools participated, including ADMU, DLSU, SLU, and University of Pangasinan. The competition was held at University of Pangasinan last August 31 where employees from Manila Bulletin and MRN Marketing nationwide served as judges. Lhea Vergara

Mula sa Putik

Ayon sa isang creation myth, o alamat, ang tao ay nagmula sa putik na hinulma ng mga kamay ni Bathala, iniluto sa hurno, at binigyang buhay ng Kaniyang hininga. Ayon din rito, tayong mga Pilipino ang produkto ng tamang pagkakaluto.

Artistic interpretation of Mula sa Putik
Illustration by Jezzamine Garcia
Ayon sa isang creation myth, o alamat, ang tao ay nagmula sa putik na hinulma ng mga kamay ni Bathala, iniluto sa hurno, at binigyang buhay ng Kaniyang hininga. Ayon din rito, tayong mga Pilipino ang produkto ng tamang pagkakaluto.


Nitong nakaraang ika-16 hanggang ika-17 ng Agosto ay idinaos ang taunang ILAW Camp 4.0 (Inspire to Lead, Aspire to Win) ay iniluwal ang bagong lupon ng mga lider-kabataan sa ating Pamantasan at sila ay kinilala sa pangalang “Batch Putik”.


Campers after one activity that required them to roll on mud.
(Photo Credits to Abril Layad Ayroso)

Ang ILAW Camp ay isang proyekto ng CSDL na pinangasiwaan ng Pilipinas Natin katuwang ang AUSSG at ilan pang mga volunteer. Layunin nitong hubugin ang mga mag-aaral at ihanda ang bagong henerasyon ng mga lider-estudyante sa mga pagsubok na ibabato ng buhay. Itinuturing na ang ILAW ay ang bautismo ng apoy sa larangan ng pamumuno sa Araullo. Ilan sa mga lider na nagmula sa programang ito ay ang kasalukuyang Pangulo ng AUSSG na si G. William Villegas at ang Punong Patnugot ng ViewPoint na si G. Dan Kevin Roque.

Ilan sa mga aral ng ILAW ay nais naming ibahagi sa kapwa namin mag-aaral. Pangunahin na rito ang kultura ng pag-ibig at pagtanggap. Ang sabi sa ilang pag-aaral, ang isip raw ng tao ay likas na nakakiling sa negatibong mga bagay, at sa totoo lang, mas madali nga namang humanap ng kapintasan. Ngunit may nararating nga ba ang ganitong kaisipan? Bakit hindi sa halip na mamintas, tayo ay tumanggap? Sa halip na mamroblema, tayo ay magbigay-solusyon?

Ano ba talaga ang tatak ng isang mabisang pinuno? Nasusukat ba ito ng galing sa pagsasalita? Nakakatulong ba dito ang pagiging maganda o gwapo? May idadagdag ba ang talino sa bisa ng isang pinuno?

Ang mga nabanggit na katangian sa naunang talata, maganda man sa teorya ay walang gaanong kinalaman sa pamumuno. Pinakamahalaga sa mga pinuno ay hindi ang mukha, utak o boses, kundi ang puso.  Ang puso ng isang pinuno ay hindi kayang kalimutan ang kapwa nya estudyante. Ang bukas na puso ng isang pinuno ay kayang tanggapin ang sarili at ang kanyang kapwa, ano man ang mali sa kanyang mukha, utak o boses. Ang bukas na puso ay kayang iwaksi ang masamang nakasanayan.

Noon ngang nakaraang ika-6 ng Agosto, sa ginanap  na rekognisyon ng mga RSO, ay hinamon tayo ng Pangulo ng AUSSG na si G. Villegas na sa halip na tanungin natin kung ano ang magagawa ng ating paaralan para sa atin, itanong natin kung ano ang magagawa natin para sa ating Pamantasan.

May kasabihan nga: ad astra per aspera. Mula sa putik patungo sa mga tala. Ang mga negatibong nakagawian natin ay nagsisilbing putik na bahid sa ating pamumuno at nagkukubli sa ating tunay na kinang. Tayo na at magpanibagong-bihis. Nawa, tayo ang magsilbing mga ilaw para sa mga taong nakapaligid sa atin.

Malayo pa ang ating lakbayin. Mahirap ang mga landas na ating tatahakin. Mahina tayo. Maliit. Ngunit kung ating bubuksan an gating puso at sabay-sabay na kikilos, may pag-asa pang ating maibangon, hindi lang ang ating paaralan, kundi maging an gating Bayan mula sa putik nitong kinasasadlakan. Dan Kevin Roque

Thursday, August 22, 2013

Gawad Bagwis Awardees




GAWAD BAGWIS
Patimpalak Pampanitikan

TULA

Bryan Joseph Peralta
Unang Gantimpala

Rouie Victoria Ramos
Ikalawang Gantimpala

Kelvin Ramos
Ikatlong Gantimpala


SANAYSAY

Ericson Padilla
Unang Gantimpala

Richard Raplh De Sixto
Ikalawang Gantimpala

Jervin Marasigan

Ikatlong Gantimpala


MAIKLING KWENTO

Luijim Jose
Unang Gantimpala

Eileen Maglanque
Ikalawang Gantimpala

Jan Del Rosario
Ikatlong Gantimpala








Saturday, August 17, 2013

Mga bagong ILAW ng AU, nagliwanag





Campers listen attentively to one of the plenary session speakers.
Photo Credits to Marcelino Halili III
Humigit-kumulang 140 na bagong lider-estudyante ang haharap sa mga hamon ng buhay pagkatapos idaos ang ILAW Camp 4.0 (Inspire to Lead, Aspire to Win) nitong nakaraang Agosto 16 at 17.


Ang ILAW Camp ay pinangasiwaan ng Pilipinas Natin, katuwang ang CSDL, AUSSG, at  iba pang mga volunteer. Ayon sa tagapangasiwa ng camp na si Bb. Melanie Ang ng Pilipinas Natin, ang layon ng event na ito ay ang pagtuturo sa mga mag-aaral ng kahalagaan ng pagtanggap sa sarili at sa kapwa upang maging mabisang pinuno. Nilalayon din nitong buksan ang isip ng mga kalahok sa mga problema ng bansa, at ang pagpapakita ng maaari nilang gawin. Abril Layad Ayroso

Thursday, August 15, 2013

Punongkahoy



Punongkahoy
Dan Kevin Roque

Ang iyong matitikas na mga braso
ay mga sangang inaabot ang langit
sa pagpupuri kay Bathala.

Ang iyong mga paa
ay mga ugat;
sa iyong nagpapatibay.
Nag-uugnay
sa dakilang pamana ng nakaraan.

Ang kalamnan ng iyong dibdib
ay patunay ng iyong paninindigan;
tanda ng mga unos
at sigwang pinagdaanan.

Ang iyong buhok
ay napalalamutian
ng mga bulaklak.


Dan Kevin Roque is a sophomore Bachelor of Arts, major in English student at Araullo University-PHINMA. He is also the Editor-in-Chief of Viewpoint, a Pamiyabe 2013 Fellow, and a recipient of the Gawad Emman Lacaba Special Citation for Poetry. He dedicates this poem to his friend, fellow writer, and comrade, Keypii Aguayon whom he met first met November 2012, in CEGP's Lunduyan Congress. This poem is a part of the Gawad Bagwis poetry series.

Wednesday, August 14, 2013

Nakalimutang Kahapon



Nakalimutang Kahapon
Pauline Joy Gelacio 

Ginapos na tinig’y
nagpupumilit,
nagpupumiglas,
nagmamakaawa,
gustong kumawala.

Aking mahal na ina’y umiiyak,
nagugugtom,
nauuhaw,
Hindi makahinga.
Hindi makasigaw.

Isinubo, nginuya,
Pagkatapos ay iluluwa.
Ito ba ang sinasabi mong
Tamang paggamit sa wika?

Kay bilis mong nakalimot,
pagsinta mo’y bakit nilumot?
Bakit sa tanikalang bakal
Ika’y nagpasakal!

Ikaw Pilipino!.
Kailan ka gigising?
Kailan ka babangon?
Sa’yong pagkalunod
Kailan ka aahon?

Pauline Joy Gelacio sophomore Bachelor of Secondary Education , major in English student at Araullo University-PHINMA. She is also the Feature Editor of Viewpoint. She dedicates this poem of hope for all the people who experienced adversities in life and survived, and for those who are still battling their demons. This is a part of the Gawad Bagwis poetry series

Tuesday, August 13, 2013

Lahi ng Lipi



Lahi ng Lipi
Sweet Cel Dela Cruz

Ako ay isang Pilipino,
At Filipino ang wika ko,
Mula sa dila ng ninuno,
Isang wikang mahal kong buo.

Mahal kong wikang Filipino,
Ano ba maikukwento mo?
Anong hirap ba ang dinanas?
Upang ikaw ay maitaas?

O kay haba ng iyong kwento,
Kabiyak historyang Pilipino,
Dugo at pawis ang pumapatak,
Ikaw lama'y maipanganak.

Bagamat tayo'y inaapi,
Nawa'y wag tayong magpagapi,
Wag ipagpalit, ating wika,
Para sa dila ng banyaga.


Sweetcel is a sophomore Bachelor of Arts, major in English student at Araullo University-PHINMA. She is also the Managing Editor of Viewpoint. She dedicates this poem of hope for all the people who experienced adversities in life and survived, and for those who are still battling their demons. This is a part of the Gawad Bagwis poetry series.










AU lumingap sa mga biktima ng Bagyong Labuyo





CSDL Personnel and student-volunteers give food for the victims of Labuyo.
Photo credits to Mark Jayson Bajo
Naghandog ng tulong ang Araullo University sa 50 pamilyang naging biktima ng Bagyong Labuyo noong nakaraang Agosto 13. Sa pangunguna ng Center for Student Development and Leadership (CSDL), katuwang ang ilang mga lider-kabataan na volunteer, umabot sa humigit-kumulang 250 katao mula sa mga baranggay ng ACCFA at San Josef Norte ang nabahaginan ng tulong. Ang nasabing programa ay bahagi ng AU: Helping Hands na naglalayong magbigay tulong sa mga kababayan nating nangangailangan. Novabelle Pascua

Monday, August 12, 2013

Lasapin Ang Buhay

Lasapin Ang Buhay
Abril Layad Ayroso

Hinainan kita ng pag-ibig
Ika'y naalatan,
Ako'y tinalikuran.
Luha lamang ang iyong nalasahan.

Naghain ako ng rebolusyon
Ako'y hindi pinaniwalaan,
Lasa daw ay walang katuturan
Pagkat dugo lamang ang nagisnan.

Ipaghain ako ng kinabukasan
Ng aking mga magulang.
Ito'y dapat maalat, ang sabi
Pinatakan ng pawis ng pagpupursigi.

Minsa'y inisip kong magbigay
 Ng paghihiganti
Kanya ang pait ng katotothanan,
Akin ang tamis ng kasalanan.

Nais kong matikman, at ipatikim
Lahat ng mainam ng buhay
Hindi ito tungkol sa tama't mali
Ang mahalaga ay ang paglasap sa kinain.

Abril Layad Ayroso is a sophomore Bachelor of Arts major in English student in Araullo University-PHINMA and a staff writer of Viewpoint.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...